super kilig quotes (from a friend)

* Hindi ko alam kung bakit ako ganito.
Hindi ko alam kung ano ginawa mo.
Hindi ko alam kung bakit ikaw ang pinili ko.
Pero ito lang ang alam kong totoo.
Ikaw lng ang minahal ko nang ganito.

*Alam mo,minsan di ko alam kung bakit di ka nagtetext.
Nagtitipid ka ba?
Walang time?
O nagpapamiss?
Kasi alam mo, kung nag-papamiss ka lang, effective!!!

*Masasaktan ka ba kung iiwas ako sayo?
Kung kakalimutan kita?
Kung magmamahal ako
ng iba? Siguro hindi.
Pero bago ko gawin yun, gusto kong malaman mo na ako masasaktan sa gagawin ko.

* Nangyari na ba minsan yung iyak ka ng iyak dahil sa isang taong mahal mo,
dahil sinaktan ka niya?
Ang sakit sakit, talagang sobrang sakit
tapos maiinis ka na lang dahil tatawag siya at
Hello pa lang niya, napatawad mo na.

*Natagpuan mo na ba yung tsinelas ng buhay mo?
Yung the right one for you? Alam mo sayang.
Yung sa akin kasi nawala pa.

Saan ka ba kasi pumunta?

* Diba masakit kapag inagawan ka?
Diba masakit kapag niloko ka?
Diba masakit kapag pinaasa ka?
Pero mas masakit kung umiiwas sha kahit na ramdam na ramdam mong mahal na mahal ninyo ang isa’t isa.

* Minsan ang love ay parang ibon. Kailangan pakawalan, kailangan palayain.
Babalik yun kung sayo pero kung hindi, hayaan mo na.
Baka mas masaya sya sa piling ng iba.

* Hindi na kita nahintay kasi napagod na ako.

Ayoko nang masaktan kaya hindi na ako umasa.
I’ll try to move on pero babagalan ko.
BAKA SAKALING MAHABOL MO PA KO.

* Sabi nila gago ako. Kasi daw ikaw ang mahal ko!
Nasasaktan na raw, sige pa rin ako.

Madami pa daw iba, lumingon lang ako,Tama sila.
Madami pa nga diyan. Kaso may problema.
MAHAL KO BA SILA?

* Paano kung isang araw iwan na talaga kita?
Hahabulin mo ba ako?
Uubusin mo ba ang oras mo makita mo lang ako?
Iiyakan mo ba ako kasi mahal mo ko?
Hindi siguro kc kung iicpin ko, pang ilang balik ko na ba to?

* Mahirap magkunwari na masaya ka.
Mahirap tumawa kahit nasasaktan ka na.
Pero ang pinakamahirap sa lahat ay ang
magmahal ng iba para lang makalimutan sya.
* Bakit ang tao pag mahal mo, iiwan ka?
Kapag iniwan mo, mamahalin ka?
Pag mahal mo, siya lang talaga.
Pero sya naman, may mahal ng iba! Ang sakit, no?

T*ngina kasing pag-ibig yan!! NAUSO PA! Paking Sh*t!

Published by

AJ

I'm a web professional by day and a professional photographer in my spare time. I create beautiful, useful and amazing websites and I've been doing this since 1995. I'm a geek and proud of it.

208 thoughts on “super kilig quotes (from a friend)”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *